Amang Banal, pinupuri Ka namin.
Ang pinakamainam na pagsamba tanging sa Iyo inaalay lamang.
Sa kabutihan at katapatan Mo’y walang papantay.
Tunay ngang wala Kang katulad.
Pag-big Mo’y dakila sa lahat.
Ikaw ang Alpha at Omega;Noon hanggang ngayon.
Hari ng mga hari; Panginoon ng mga panginoon.
Kami ay lumalapit at nagsusumamo,
Hinihingi ang habag at kapatawaran Mo sa mga maling gawa, salita at, kaisipan.
Pakalinisin Mo kami sa lahat ng aming karumihan.
Tulungan Mo po kaming iwasan at lumayo sa lahat ng kalikuan.
Kami ay Iyong samahang tahakin ang matuwid na daan;
Talikuran mga maling bagay para kami sa Iyo ay hindi mawalay.
Salamat Ama, salamat.
Dahil sa kabila ng aming kapalaluan, hindi Ka nagkukulang.
Sa mga panahon na kami ay nakakalimot,
Salamat po sa Banal na Espiritu na sa ami’y nakapalibot.
Salamat po sa Iyong pagyakap,
Sa mga araw na kami ay lugmok na at hirap na hirap.
Hindi kami karapat-dapat sa pag-ibig Mong sadyang kay tapat.
Marami pong salamat sa lahat ng Iyong mabubuting gawa.
Salamat po sa Iyong nag-uumapaw na biyaya.
Kalakasan sa araw-araw kami ay Iyong pagkalooban.
Gabay at karunungan Mo sa aming buhay ay kailangan.
Kagalingan sa lahat ng mga nanghihina at may karamdaman Iyong ibigay.
Ingatan Mo po kami sa plano at gawa ng kaaway.
Buhay namin ay Iyong gamitin.
Pagmamahal sa kapwa ay aming isipin upang pag-ibig Mo ay kanilang malaman,
Na Ikaw lamang ang Diyos at Tagapagligtas ng buong sanlibutan.
Ito ang naming panalangi, sa matamis at makapangyarihang pangalan ni Hesus Kristo,
Amen.












One Response
An affirmation from the deepest of thoughts in a language closest to the heart . I remember my father praying so fervently in his own Ilocano language, so much so that nowadays if I miss him and want to feel the father-pillar stance that used to support our family then, I talk to him in prayer in the same language. Much so like we can express deeper our thoughts and feelings in a language we can all truly connect with; I do so with our Lord in my home language…and it sends me back home in beautiful memories.
Maraming salamat, sis Doneth.^^