Tunay Na Kapayapaan

“Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.” – Mga Taga-Filipos 7-4:6

Nung nagkasakit ng Covid ang kapatid ko sa Pilipinas hindi ako nangamba o nag-alala kasi alam kong papagalingin siya ng Panginoon katulad ng pagpapagaling niya sa akin nung nagkasakit ako ng Covid. Pero nung sumunod na nagkasakit ang mommy ko, si Tita Flor na nag-aalaga sa mga bata at si baby Emman, hindi ko maiwasan mag-alala lalo na para kay mommy at baby Emman. Matanda na si mommy at may hypertension samantalang si baby Emman naman ay 4 months old lang, alam ko na sa edad nila malaki ang risk na maaring magkaroon sila ng komplikasyon. Naaawa ako sa kapatid ko dahil sa stress sa sitwasyon nila at sa pangamba niya na maaaring maapektuhan ang kanyang trabaho dahil hindi pa siya nakakabalik mula sa pagtatapos ng kanyang maternity leave. Wala akong magawa. I feel helpless lalo na nung nagsabi ang kapatid ko na napapagod na siya. I dare not ask God bakit nangyari sa family ko ‘to. Everything happens for a reason and a purpose. And in those times of helplessness all I could do was to seek the Lord and ask for His help, comfort, and healing para sa pamilya ko. At sa sitwasyon namin, narealize ko na isa itong oportunidad na maaaring ipinagkaloob ng Panginoon upang mailapit ko ang pamilya ko sa Kanya. Napakabuti ng Panginoon dahil hindi Niya pinabayaan ang aking pamilya. Totoo Siya sa Kanyang salita at pangako na hilingin sa Kanya ang lahat ng ating kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat (v.6). Nagpapasalamat ako ng lubos sa Kanya sa pagpapagaling sa aking pamilya, sa financial provisions at sa mga kapatirang naging katuwang ko sa pagdarasal para sa aking pamilya. Ang Salita ng Panginoon ang siyang naging sandigan namin upang kami ay hindi matakot at mangamba ng lubos sa sitwasyon namin. Tunay nga na kung ipinagkatiwala mo lahat sa Panginoon, ang Kanyang kapayapaan ay mapapasaiyo. To God be the glory!

One Response

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter