Tulong

“Carry each other’s burdens, and in this way, you will fulfill the law of Christ.” – Galatians 6:2

Noong mga nakaraang linggo, something was weighing me down, up until now actually.

May close friend kami na nanghingi ng financial help dahil nagkaroon sila ng problema sa Riyadh. Nasira ang binili nilang sasakyan at nagamit nila yung pera na dapat ipapadala sa Pilipinas. Kagaya namin, madami din silang mga financial responsibilities at nandoon din sa Pilipinas naiwan ang kanilang 5-year-old na anak.

Noong nag-message yung friend namin, gusto ko talaga mag-extend ng help sa kanila kasi alam ko mahirap sa kalooban nila na hindi nila mase-settle ang mga bayarin nila sa Pilipinas. Kinausap ko yung kapatid ko kung pwede siya ang mag-send pero the timing was really bad. Eksakto din kasi na nasa Samar ang kapatid ko at gumagastos din sa pagpapaayos sa bahay at mga gamit na kailangan bilhin.

Nalungkot ako na hindi kami nakapag-extend ng help sa kanila dahil sabay-sabay din ang mga needs na kailangan bayaran. Nasabi ko sa kanila na kapag nakaluwag kami, babawi kami. Araw-araw iniisip ko kung nagawan ba nila ng paraan yung problema nila.

Masakit din pala sa puso yung ganito, lalo na at malapit sila sa amin. Churchmate din kasi namin sila sa Riyadh.

Dahil nga dito, na-share ko sa kanila ang mga financial ups and downs namin dito and how God has been faithful in providing for our needs. I hope somehow it gave them hope and mas tumibay ang trust kay God. May mga pagkakataon na hindi natin kaya tugunan ang tulong na kailangan ng ating mga kaibigan, kapamilya, o kung sino pa man pero ito din ay reminder to us to pray for them, to pray for our friends’ needs, whether it is financial, healing, or any kind.

Lord, I pray that the need of my friends, by Your will God, will be provided. Teach us always to trust in you in everything. In your mighty Name, Lord. Amen and amen.

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter