Plano

“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”  – Jeremiah 29:11

Sa buhay po natin, may iba’t iba tayong mga plano. Tulad nang nangyari sa buhay ko nang mamatay ang aking mahal na nanay. Yung time na iyon, ang plano ko talaga ay umuwi para makasama ko siya. Gulong-gulo ang aking pag-iisip noon kasi ‘yung sinasabi ng aking isip ay umuwi.

Thank You sa Panginoon kasi may magandang plano pala Siya para sa akin. Hindi na kami nagkautang at hindi nahirapan sa pag-alaga si misis sa mga bata. Hindi na din kami nagka-problema sino magbabantay sa mga bata. Salamat sa Panginoon sa mga ginamit Niya upang paalalahanan ako sa mga plano na ikabubuti ko at ng aking pamilya.

Sa buhay natin, masarap magplano pero isama lagi natin ang Panginoon sa mga plano natin sa buhay dahil ang plano ng Panginoon sa atin ay ‘yung plano na hindi natin ikaka-sama, kundi ikabubuti natin. Mga planong magdudulot ng magandang kinabukasan at punong-puno ng pagasa. God bless po sa ating lahat.

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter