“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” (Jeremiah 29:11)
Minsan dumadating sa aking isip ang pag-aalala, ang pag-iisip sa buhay sa hinaharap. Madami pang plano ang sumasagi sa isipan ko. Katulad ng pag uwi sa Pilipinas, ang pag-aaral ng mga bata at kung anu-ano pa.
Salamat sa Panginoon dahil pinapaalala Niya sa Kanyang Salita, sa Jeremiah 29:11 na sa Kanya lamang matatagpuan at Siya lamang ang makakapagbigay ng magandang kinabukasan.
Kaya naitanong ko, ano ba ang dapat kong gawin gayong batid ng Panginoon ang lahat? Kaya dalangin ko na pag-ibayuhin ng Panginoon ang aking pagtitiwala sa mga pangako Niya sa tulong ng Banal na Espiritu. Ipagkakatiwala ko sa Kanya ang buhay ko at ng aking pamilya dahil mahal ako ng Diyos at may maganda Siyang plano. Pagpalain tayong lahat!













