“Pray without Ceasing!” – 1 Thessalonians 5:17 (KJV)
Iniutos ni Apostle Paul sa mga mananampalataya sa Tesalonika “To pray without ceasing” dahil ang mga mananampalataya doon ay dumaranas din ng mga matinding problema, persecution, kailangan nila ng kalakasang spiritual, kagaya natin ngayon. Sa sulat po sinabi na “Be joyful always, pray continually, give thanks in all circumstances, for this is God’s will for you in Christ Jesus.” (1 Thessalonians 5:16-18 NIV). Kailangan nating manalangin ng walang patid dahil: 1. Siya lang ang dapat sambahin at papurihan (Adoration) 2. Nakakagawa pa rin tayo ng kasalanan sa isip, salita at gawa kaya we need (Confession) 3. Dapat lagi tayong magpasalamat sa Panginoon (Thanksgiving) 4. Marami tayong pangangailangan (Supplication)
“Pray without Ceasing” Isang paalala sa akin dahil kailangan ko ng wisdom, malaman ang will ng Panginoon sa bawat desisyon ko at buong pamilya. At ako’y naniniwala na walang imposible sa Diyos kung ito’y kalooban Nya.













