Pagbabahagi

“Sapagka’t hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.” – 2 Timothy 1:17

Old and new Christians feel the same way in sharing the gospel. Masasabi ko that before I had so many chances to share the gospel pero umaatras ang dila ko at madami akong iniisip na magiging reaction ng taong whom I will share the gospel with. Paano na if isipin nila na tingin ko sa life ko malinis o maayos tapos sa kanila ang tingin ko ay hindi? Mahirap po talaga minsan at ayaw din natin to sound judgmental dahil minsan o madalas nga nami-misunderstood ang ating intensyon. Minsan na may nagsabi sa akin na kahit hindi naman siya magsimba, mabait naman siya at hindi gumagawa ng masama. Ayoko siyang ma-offend kaya tumango na lang ako.

Nang nalaman ko itong verse, dito ko naintindihan na binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihan para maibahagi ang Kanyang Salita hindi para mahiya, kasabay nito ang pagmamahal at disiplina sa sarili.

Dahil dito kahit ma-reject o hindi maniwala ang taong binabahagian mo, ang importante ay you find the courage to share. Sabi nga “I’m not ashamed of the gospel, Lord.”

We just pray na maintindihan nila na kaya tayo ay Kristyano dahil sa katotohanan na alam natin na masama tayong tao at hindi natin kakayanin sa sarili lang natin kundi kailangan natin ang Diyos – apart from Him we are nothing.

Having a full dependence sa Diyos ang pagiging Kristyano. Kaya nga maiintindihan natin kung bakit pinaparanas tayo ng Diyos ng struggles kahit nagse-serve na tayo sa Kanya, ito ay para maibahagi natin sa iba kung paano ang Diyos kumilos sa mga panahong ganito sa buhay natin.

Lahat ng pinagdadaanan natin ay magiging magandang testimony na maibabahagi natin sa bawat taong makakasalamuha natin sa buhay at dahil dito makikita nila na totoo ang kapangyarihan ng Diyos. Our imperfect life is worth sharing as long as it will glorify the Lord.

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter