Madalas ba nating pinupuri ang ating sarili? Ang tingin ba natin sa ating sarili na tayo ay mas magaling sa iba? Natutuwa ba tayo kapag napapatunayan natin na mas matalino o mas maganda ang ating mga ideya o paniniwala sa iba? Naiinggit ba tayo sa ating kapwa?
Sa aklat ng Mga Taga- Galacia nasasaad na:
“Kung tayo’y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu. Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo’y nangagmumungkahian sa isa’t isa, nangagiinggitan sa isa’t isa.”
Isang paalala na simula ng tanggapin natin si Hesus sa ating buhay, tayo ay bago nang nilalang. Tamang tayo ay nagkakamali at karamihan pa sa atin sinasabi na tayo ay “Tao
lang nagkakamali.” Sinasaad ni Apostol Paul na tayo ay lumakad ayon sa kalooban ng Espiritu.
Lagi natin alalahanin na tayo ay bago ng nilalang sa biyaya at habag ng ating Panginoong Hesus. Kailangan natin sumunod at gawin ang mga napagaaralan natin patungkol sa Biblya. Maging buhay na patotoo tayo, hindi lamang sa hindi mananampalataya pati na rin sa mananapalataya. Huwag natin hayaan makatisuran tayo ng iba.
Oo, mahirap at hindi natin kaya. Pero hindi rin sapat na dahilan na tayo ay ‘’Tao lang.’’ Hindi natin kayang mag-isa. Hayaan natin kumilos ang banal na Espiritu sa ating buhay.
Panalangin: Panginoon, maraming salamat po sa Iyong biyaya at habag. Patawarin Niyo po kami kung kami ay naging palalo, mapagmalaki, at naiingit. Panginoon, tulungan Niyo po kami at hayaan Niyo po ang inyong banal na Espiritu Santo ang gumabay sa amin upang kami’y makalakad ayon sa Inyong kalooban. Ito po ang aming panalangin sa Pangalan ng aming Panginoong Hesus. Amen.













