“Hindi tayo nag-aatubiling lumapit sa Kanya dahil alam nating ibibigay Niya ang anumang hingin natin kung ito’y naaayon sa Kanyang kalooban at dahil alam nating pinapakinggan nga Niya tayo, alam din nating ibibigay Niya ang bawat hinihiling natin sa Kanya.” – 1 John 5:14-15
Dito po pinapaalala sa akin ng Panginoon na hindi dapat mag-atubiling lumapit sa Kanya dahil Siya ay nalalapitan sa anumang oras, at anumang sitwasyon. At sinasagot nya ang lahat ng ating hinihiling. “Oo” kung kalooban nya. “Hindi” kung hindi nya kalooban. “Maghintay” kung may tinakda Siyang panahon. Pinapaalala Niya rin sa akin na Siya lang ang higit na nakakaalam kung ano ang makakabuti sa akin at sa aking pamilya dahil ang Panginoon pa rin ang may kontrol ng buhay.
Panalangin:
Panginoon, salamat dahil ikaw ay laging nalalapitan sa anumang oras at anumang sitwasyon. Bigyan po Ninyo ako ng pusong mapagpakumbaba. Tulungan po Ninyo ako na maunawaan ang Iyong kagustuhan at gamitin po Ninyo ang lahat ng mga kaloob Mo sa akin at sa aking pamilya para sa ikakaluwalhati ng Iyong Dakilang Pangalan. Ito po ang aking samo at dalangin sa pangalan ni Cristo- Jesus. Amen













