Liwanag sa Dilim

“Do not be afraid of the terrors of the night, nor the arrow that flies in the day. Do not dread the disease that stalks in darkness nor the disaster that strikes at midday. Though a thousand fall at your side, though ten thousand are dying around you, these evils will not touch you.” – Psalm 91:5-7(NLT)

Napanood ko kamakailan ang isang TikTok video ng isang delivery rider na kumakanta ng “alive, alive, alive forevermore. My Jesus is alive forever more!”, habang binabagtas ang isang madilim na eskinita sa isang liblib na baryo. Nakakatuwa dahil iyon ang ginagawa ko noong bata pa ako. Naaalala ko na may ipapabili sa akin sa sari-sari store kapag dapit-hapon, at habang papalapit ako sa madilim na sulok ng kalye kung saan matatagpuan ang isang sira-sirang bahay na napapaligiran ng mga talahib, nagsisimula akong kumanta ng mga papuri.

Kagaya ng salmista madalas tayong natatakot sa kadiliman at mga bagay na di natin nauunawaan. Gayunpaman, alam din niyang mas dakila ang Diyos kaysa sa kanyang mga takot. Ibinigay sa atin ng Diyos ang Liwanag ng Mundo, ang Kanyang bugtong na Anak, na si Jesu Kristo. Sa pamamagitan Niya, matatagpuan natin ang lakas ng loob upang mamuhay ng tapat sa Diyos at manatili sa Kanyang liwanag ng pag-ibig, biyaya katotohanan.

Lord, the Light of the World, I come to You. Thank you that I can always count on Your stable and powerful protection. I will fear no evil, for You are with me. May You always bring light into the darkness of my fears. In Jesus’ Name. Amen.

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter