“Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kalasag; ang aking puso ay tumiwala sa Kaniya, at ako’y nasaklolohan: kaya’t ang aking puso ay nagagalak na mainam; at aking pupurihin Siya ng aking awit.” – Mga Awit 28:7
Maraming bagay ang pinakita sa akin ng ating Panginoon na Siya ang ating karamay at sandigan sa lahat ng oras. Sa bawat pagsubok sa buhay, Siya ang dapat pagkatiwalaan. Mahirap man sa sitwasyon ko na wala akong kakayahan labanan man ng financial, lakas, or gumamit ng mga tao para makausad sa aming kaso, pero alam ko sa lahat ng mga kakulangan ng mga ito, ang Panginoon ang nagbibigay.
Minsan naisip ko bakit ba ganito, di ko naman ginusto ang aking sitwasyon, gusto ko lang matulungan ang aking pamilya at aking asawa. Pero siguro may plano ang Panginoon sa akin. Magtiwala lamang ako at alam ko di Niya ako papabayaan.
Alam ko na hindi hahayaan ng Panginoon na sinuman sa Kanyang mga anak ang mapahamak. Siya ang nagpapalakas sa akin. Siya ang dahilan kung bakit ako uusad dahil alam ko mahal ako ng Panginoon, na hindi nagkukulang.
Salamat sa Iyo, Panginoon, na Ikaw ang nag bibigay ng lakas sa aking kahinaan. Dapat kang papurihan sa lahat ng oras, ito man ay mabuti o masama. Salamat po dahil hindi Mo ako pinababayaan. Amen.













