God’s Advice

“I will instruct you and teach you in the way you should go; I will counsel you with My loving eye on you.” – Psalms 32:8 NIV

There was a time sa buhay ko na hindi ko na alam ano ang gagawin ko. Kung ano ba ang plano ko sa future ko? I was just living my life each day.

Isang araw, tumawag sa akin yung college klasmeyt ko and said that he was in an agency for an interview papunta ng Saudi. Pinapunta niya ako para may kasama daw siya.

To make the story short, na-interview din ako dun sa agency at na-hire as a sonographer. Sa akin, it was not part of my plan pero nangyari. Lumipas ang ilang buwan, ngunit hindi ko inasikaso yung mga requirements. Hanggang tumawag na ang agency at may visa na daw ako. I’m confused kung ano ba ang gagawin ko.

I needed to go back to the agency to check the contract.

Nang patawid na ako sa Pedro Gil, I prayed, “Lord, kung ganitong sweldo ang ibigay nila, ibig sabihin pinapapunta mo ako sa Saudi.” Pagdating ko sa agency at nang ipakita sa akin yung contract, the exact same amount ang nakalagay doon. Walang labis, walang kulang.

Naging smooth lahat ng proseso, pati mga magulang ko na against sa pagpunta ko ng Saudi ay nag-agree na aalis ako. Nang nakarating ako sa Saudi, doon ko nakita kung bakit ako inilagay at dinala ng Diyos doon. Yung prayer ko, when I graduated, na gusto ko makapagfocus sa spiritual life ko ay doon pala sa Riyadh magiging possible. God put me in a place where He can teach me the way I should go with my life. Kung dati, I was just living my life each day, but there nagkaroon ng purpose at goal ang bawat araw ko.

I’m grateful to God for not giving up on me, for His love, who waited patiently for me, and for always guiding me. Truly, Oh Lord, Your love is amazing!

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter