God is More Than Enough

“Trust in the Lord forever, for the Lord, the Lord Himself, is the Rock eternal.” Isaiah 26:4 NIV

Sa buhay natin, tayo ay nagpapasalamat sa mga bagay-bagay at mga tao na alam nating nakakapagbigay sa atin ng comfort, kasiyahan, at mga kasagutan sa ating mga problema. Tayo ay nagpupuri at nagpapasalamat sa mga blessings na ito. Sa Diyos ang papuri dahil sa kung anong mayroon tayo ngayon. Praise God!

Binigyan Niya tayo ng pagkaunawa, sa pamamagitan ng Banal na Espirito, na ipagkatiwala sa Panginoon ang ating mga buhay. Dati madali natin itong nasasabi, “Yes, I trust the Lord,” but without knowing who Jesus really is and having no relationship with Him. But now, we are so grateful of His Words, guidance, at sa Kanyang grace. He has awakened us and chose us to know kung ano at kung sino talaga ang Panginoon.

Trusting the Lord is more than enough para magkaroon tayo ng kapayapaan na hindi maibibigay ng mundong ito, at patuloy nating sasabihin, “Thank you, Jesus, sa buhay na walang hanggan.” We are assured that we will be with God in His perfect time because He promised.

Panginoon, maraming, maraming salamat po sa ipinagkaloob Mong kapayapaan sa pamamagitan ng Iyong Bugtong na Anak na si Jesus. Patawarin Nyo po kami, Jesus, sa aming mga nagawang kasalanan. Nilalapit namin, Panginoon, ang aming mga sarili na magkaroon pa ng more understanding about You, Ama. We rebuke, in the name of Jesus, ang gawain ng kalaban sa buhay namin na naghahadlang upang magawa namin ang mga ipinagagawa Mo. Ama, purihin Ka! We pray all these things in the mighty name of Jesus, Amen.

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter