“But the Lord is faithful, and He will strengthen you and protect you from the evil one.” -2 Thessalonians 3:3 NIV
Lahat naman ay aware na nagka-COVID ang family namin. Maaaring mild ang Omicron variant pero nakakaawa pa rin tingnan ang mga bata na nahihirapan sa sakit ng ulo at nagsusuka. But praise God sa kagalingan na ipinagkaloob Niya sa aming lahat at sa prayers ng bawat isa.
Isang gabi nang ako’y may COVID pa, bigla akong nahirapan huminga at nag-iiba ang heart rate ko. Natakot ako kasi pang ilang araw na iyon at ineexpect ko mas magiging okay na dapat ako. Medyo nagpanic ako kung bakit nangyayari iyon. But the more na nagpapanic ako, the more na hindi ako makahinga. Then naisip ko, I need to calm myself. So umupo ako at nagpray. Sabi ko, “Lord, alam ko hindi Mo ako pababayaan. In Your mighty Name, tatanggalin mo kung ano man ang nararanasan ko ngayon.”
Tapos, naisip ko sa time na iyon, how much did I pray during our COVID days.
Nakita ko how faithful God is. Nagka-COVID man kami but still He gives us strength na malampasan iyon and truly He did not let the illness overcome our body, our mind, and our spirit.
We praise and thank God for everyone who prayed for us and showed their love to us!
To God be the glory!













