Buong Pagtitiwala

“Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo Niya sa iyo ang tamang landas.” – Kawikaan 6-3:5

Ang pagtitiwala natin sa Panginoon ng buong-buo sa Kanyang kapangyarian, kabutihan, at karunugan ay nangangahulugan na Siya ang pinakadakila sa lahat. Siya ang may control ng bawat buhay natin. Nagtitiwala tayo dahil kahit anong mangyari di Niya tayo pababayaan. Lahat ng nangyayari sa atin ay Kanyang nababatid o nalalaman. Kahit minsan di natin ito maintindihan, pero sa kabila nito dapat ang pagtitiwala natin sa Kanyang kakayahan. Hindi lamang masusukat sa mga masasayang bagay bagkus pagtibayin ito kapag nahaharap na tayo sa kapighatian. Huwag tayong manalig sa ating mga karunungan sapagkat ito’y bigay lamang sa atin at wala din tayo ipagmamalaki sa Kanya. Siya ang nakakabatid ng landas na ating tatahakin. Magtiwala tayo sa Panginoon na may likha sa atin sa anumang sitwasyon ng buhay natin. Huwag tayong masilaw sa katalinuhan ng mundong kasalukuyang ginagalawan natin.

Panginoon, tulungan mo po ako magtiwala ng buong puso sa Inyong kakayahan. Alam ko po na may plano Kayo lagi sa aking daraanan at buhay. Hindi ko man minsan ito maintindihan, kaya bigyan Niyo po ako ng karunungan at puso na malambot para maintindihan ang gusto Niyo ipagawa sa akin. Marami pong salamat, Ama, kayo na ang bahala sa akin. Lahat ng mayroon ako ay inaalay ko po sa Inyo at sinusuko ko po ang buhay ko. Gamitin Niyo din po ako upang maging daluyan ng inyong pagpapala. Sa Pangalan ni Hesus. Amen.

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter