“I will bless the LORD, who hath given me counsel: my reins also instruct me in the night seasons.” – Psalms 16:7
Bilang isang Kristiyano, hindi tayo exempted sa mga sitwasyon na kailangan natin magdesisyon at kadalasan maaari tayong magkamali kung hindi tayo sasangguni sa Panginoon.
Halimbawa, kapag tayo ay galit, nakakagawa tayo ng aksyon na sa bandang huli ay pagsisisihan natin. Dahil maaari tayong madaya ng ating damdamin, huwag hayaan na ang sariling kagustuhan ang masunod. Kundi hingin, higit sa lahat, ang payo ng Diyos sapagkat iyon ang pinakamainam.
Nagkaroon ako noon ng isang maling desisyon sa buhay ko na hanggang ngayon ay inaani ang consequence nito. Sa ngayon, nahaharap ulit sa panibagong desisyon na kailangan ko ang payo ng Diyos upang huwag ng magkamaling muli.













