Ako Ay Kanyang Nilikha

“I am your creator. You were in my care even before you were here.” – Isaiah 44:2

Ito ang isa sa mga Salita ng Panginoon sa akin – na Siya ang lumikha sa akin para ako ay Kanyang alagaan at mahalin bago pa man ako ipanganak ng aking mga magulang. Siya ang lumikha dahil may maganda at malinaw Siyang plano sa buhay ko.

Sa totoo lang, kahit kilala ko na ang Lord minsan tinatanong ko ano pa ang mga gusto kong mangyari sa buhay ko. Ang dapat pala at tama kong hanapin ay kung ano ang gusto ng Lord na gawin ko para mapapurihan Siya sa buhay ko araw-araw. Ang simple ng gusto ng Lord na gawin natin, nilikha Niya tayo para ikaw at ako ay magbigay kaluwalhatian sa ating Panginoon. Kahit ano pa man ang sitwasyon natin, nasa pagsubok man o maayos na buhay, isa sa mga pangako at plano Niya ay bigyan tayo ng buhay na ganap at kasiya-siya. Purihin ang Panginoon!

Salamat, Lord, sa buhay at kaligtasan. Dalalangin ko na mapapurihan Ka namin. Wala po kaming magagawa kung wala Ka. Maganap po sa buhay namin ang nais Mo sa bawat isa. Amen!

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter