A Parent’s Discipline

Share on facebook
Share on whatsapp
Share on twitter
Share on email
Share on linkedin

“Discipline your children, and they will give you peace of mind and will make your heart glad.” – Proverbs 29:17 NLT

When I read this verse from the book of Proverbs, naisip ko ang mga anak ko (two boys and one girl). I’m a single parent for almost eight years now, and I want to give back all the glory and honor to our Almighty God. It is only by His grace, and I praise God for that. All I can say is my heart is filled with love and gladness about how God works in their lives. Sometimes, there are difficulties but most of the time, all of them are easy to handle. They respect and love me. Every day and night, I cover them with prayers.

As a mother, I am not that much of a disciplinarian noong maliliit pa sila, but my husband taught them well. Ang rule ng late husband ko sa kanila sa bahay ay “mistake of one, mistake of all.” Ginawa niyang military-style ang pagdidisiplina dahil siguro isa siyang criminologist. Kaya ang nangyayari, itong mga tatlo kong anak, they talk to each other para hindi sila magkamali.

I give all the credit to my husband on how he disciplined them with their studies, in handling money, taking care sa kanilang mga kaaway sa school or playmates, eating habits, and going to church. In short, he was their teacher. Siguro ang naiambag ko sa pag-discipline sa mga anak namin was only 10% dahil lahat sa bahay ay inaasa ko sa kanya, pati mga bata. Ang alam ko lang ay maging nurse at maglinis sa bahay, pagkatapos sa kanya na lahat.

Sa ngayon, praise God, ako ang nag-ani sa pagdisiplina niya sa mga anak namin especially with their studies. Wala akong kahirap-hirap na turuan sila. They are all independent, may it be academics or projects. This time, ang ginagawa ko nalang ay tinutulungan ko sila to continue their faith and be closer sa Panginoon. I keep on reminding them to be good people although nag-iba ang mga ugali nila since nawala ang papa nila, but they are still on the right path. Salamat sa Panginoon!

As a parent, maraming paraan para madisiplina ang mga anak natin. One thing I learned is that our children will feel that they are loved and protected.

Our gracious God, give us more wisdom na madisiplina namin ng maayos ang aming mga anak. Gabayan Niyo po kami sa pagpapalaki sa kanila. Bigyan Niyo ng magandang future ang lahat na aming mga anak. Lalo na, tulungan Mo po sila na magkaroon ng takot sa Inyo at Ikaw po ang kanilang kasa-kasama sa bawat araw at Ikaw ang kanilang gabay. Kami, na kanilang mga magulang, ay bigyan Niyo po kami ng pagunawa at pasensya, at mahalin sila palagi. Salamat po sa lahat, Panginoon!

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter