Pagasa Kay Hesus

Share on facebook
Share on whatsapp
Share on twitter
Share on email
Share on linkedin

“So Christ was sacrificed once to take away the sins of many; and He will appear a second time, not to bear sin, but to bring salvation to those who are waiting for Him.” – Hebrews 9:28 NIV

Thanks be to God na tayong mananampalataya sa Panginoong Jesus ay may pagasa na hinihintay. Ito ang ating pinaniniwalaan. Sa awa ng Diyos, tayo ay binigyan ng pagkaunawa sa mga bagay na ito. Most of the times, mabigat ang ating mga pinagdadaanan sa buhay, minsan pa nga nama-magnify pa natin ang mga problemang ito. But praise God ang lahat ng ito ay temporary lamang. Napakasarap alalahanin at pagbulay-bulayan na napagtagumpayan ng ating Panginoon ang mga pagsubok na ito at pangako Niya na babalik Siya para kunin at isama ang mga nananampalataya sa Kanya. Sa Diyos ang papuri at pagsamba!

Lord, thank You po ng marami sa katapatan Mo sa aming buhay. Patuloy Niyo pong turuan ang aming mga puso at bigyan ng kaliwanagan ang aming mga isipan sa pagbabahagi ng Inyong mga salita sa aming nasasakupan. Hinihingi po namin ang lakas at kapangyarihan na nagmumula sa Inyo para ibahagi ang Inyong mga Salita. Saliksikin Niyo po ang aming mga puso at linisin ang aming mga isipan. Salamat po, Ama sa inyong pagmamahal at pagtugon sa aming mga panalangin. Dinadalangin po namin ang lahat ng ito sa Pangalan ni Hesus, na aming tagapagligtas. Amen and amen.

Leave a Reply

Sign up for our Newsletter