“Don’t worry about anything; instead, pray about everything. Tell God what you need, and thank Him for all He has done.” – Philippians 4:6
Nung nakaraang taon, lagi kong iniisip kung makakaya ba namin magasawa na kami lang ang mag-aalaga sa dalawang bata at kung mababayaran ba namin ang mga dapat bayaran.
Sabi ng Panginoon na huwag tayo mabalisa sa anumang bagay sa halip hingin natin sa Kanya at ibibigay Niya ito. Marami man tayong pagkukulang sa Panginoon, pero never Siyang nakalimot sa mga anak Niya.
Salamat sa Panginoon sa buhay natin. Lagi Siyang nandiyan para sa mga anak Niya.
Huwag tayong mabalisa o mag-worry kapag may pagsubok sa buhay natin, bagkus ilapit natin ito sa Panginoon.