“Let perseverance finish its work so that you may be mature and complete, not lacking anything. If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you.” James 1:4-5
Purihin natin ang ating Panginoon sa ating mga buhay, bagamat maraming pagsubok na dinaranas natin pero lagi Siyang nandyan para gabayan tayo. Nire-remind din ako ng verse na ito na kahit anong pagsubok natin sa buhay, huwag tayong makakalimot sa ating Panginoon.
Minsan sa buhay natin dumaranas tayo ng matinding pagsubok, tulad na lang nang mawalan ng mahal sa buhay. Masakit pero laging nandyan ang Panginoon para alalayan tayo at aliwin sa ating kalungkutan. Sa mga pagsubok na ito, lalo pa tayong napapalapit sa Panginoon at nagiging matatag sa ating pananampalataya. God bless po sa ating lahat.